Ginang patay, mister sugatan sa pamamaril

NASAWI ang isang ginang habang sugatan ang kanyang mister nang pagbabarilin sa loob ng kanilang kubo sa Umingan, Pangasinan, Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Elvera Sobremonte, 42, dahil sa tama ng bala sa tiyan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Nagpapagaling pa sa ospital ang mister niyang si Warlito, 43, dahil sa tama ng bala sa likod.

Naganap ang pamamaril dakong alas-11, sa bukid ng mga Sobremonte sa Brgy. Calitlitan.

Matutulog na sana sa kanilang kubo ang mag-asawa, nang paputukan nang limang beses ng hinihinalang M16 rifle, ayon sa ulat.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang Pebesito Mostairo, residente ng parehong barangay, para sa diumano’y kinalaman sa pamamaril.

Read more...