Boy2 best man sa kasal nina Neil at Angel: Matibay ang pundasyon nila | Bandera

Boy2 best man sa kasal nina Neil at Angel: Matibay ang pundasyon nila

Julie Bonifacio |July 15,2019
facebook
share this

Boy2 best man sa kasal nina Neil at Angel: Matibay ang pundasyon nila

Julie Bonifacio - July 15, 2019 - 12:10 AM

PINASOK na rin ni Boy2 Quizon ang pagdidirek ng pelikula. Siya ang direktor ng first movie team-up nina Inigo Pascual at Maris Racal titled “I’m Ellenya L.”

Isa ito sa official entries sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines headed by Liza Dino-Seguerra.

Naisip ni Boy2 na ang proyektong “I’m Ellenya L.” ang pinakatamang proyekto for his first directorial job para sa film outfit nila ng kaibigang si Neil Arce, ang N2 Productions.

“First time kong hinamon ang sarili ko, ‘Sige na, ‘wag na nating ipadirek kay Bb. Joyce (Bernal) ‘to. O kaya kay Direk Irene (Villamor) na normally nasa ganoong level ‘yung mga ‘yan. E, as producer, 30 days ‘yung shooting nila palagi. Sabi ko, kailangan gumawa tayo ng 15 days. Ako na ‘yung gagawa,” lahad ni Boy2.

Habang kausap namin ang comedian ay lumapit naman si Neil. Sakto at natanong na si Boy2 about his lovelife. May non-showbiz girlfriend daw siya for five years na. Pero wala pa silang planong magpakasal.

“Eto, kaya committed,” bitin na sabi ni Boy2. “So, next year. Actually, pinaghahandaan namin ‘yung sa kanya. ‘Yun ‘yung pinaplano nila na hopefully. Wala ako sa posisyon na magbigay ng impormasyon regarding diyan. Pero I’m just here for this guy. Ito ang dahilan din kung bakit ako nagdirek,” aniya pa.

Ni-reveal din ni Boy2 ang magiging partisipasyon niya sa kasal nina Neil at Angel next year, “Malamang Best Man ako nito. Pero hindi pa kami sure, ha!”

Itinanggi ni Boy2 na siya ang nagdirek ng ginawang proposal ni Neil kay Angel kamakailan, “Wala akong kinalaman doon. Isa nga ako sa mga nagulat, e. Kasi they want it to be very intimate. I had an idea pero ibinigay ko sa kanila, wala ako doon.”

Sa tingin niya, ano ang big factor that Neil finally decided na mag-propose kay Angel? “Pangalan pa lang Angel na, ‘di ba? Para mabawasan na lang ‘yung sungay nitong kaibigan ko. Ha-haha! Hindi, pero sa totoo lang, matagal din kasi silang naging magkaibigan. ‘Yun ang maganda sa set-up nila. Hindi minadali.”

Sa kabila nang pagtanggi ni Neil na magpainterbyu sa entertainment press sa PPP3 announcement of the 10 official films na kasali, sinagot niya ang tanong kung bakit hindi niya nai-produce ng pelikula si Angel under N2 bago siya nag-propose.

“Nag-agree kami na we won’t work together as much as we can kasi para ‘di ba, magkaiba ‘yung personal life sa work,” tugon ng producer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilinaw pa ni Neil na hindi naman daw siya natakot na masira ang personal relationship nila ni Angel kapag gumawa sila ng proyekto together, “Hindi naman ako natatakot pero siyempre, alam mo ‘yun? Para lang, walang masabi ‘yung mga tao. Just to be safe lang.”

So, after ng wedding nila ni Angel, pwede na raw gumawa ng movie ang N2 na si Angel ang bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending