'Babae Sa Septic Tank' ni Uge may part 4, 5, 6, 7... | Bandera

‘Babae Sa Septic Tank’ ni Uge may part 4, 5, 6, 7…

Reggee Bonoan - July 15, 2019 - 12:10 AM

DAHIL sa success ng pelikulang “Ang Babae Sa Septic Tank” 1 and 2 ay magkakaroon na ito ng part 3. Pero this time isa na itong 7-part digital series.

Mapapanood na ito simula sa July 17 sa iWant na pagbibidahan pa rin ng nag-iisang si Eugene Domingo.

Sa ginanap na mediacon ng Ang Babae Sa Septic Tank 3 na isinulat ni Chris Martinez at idinirek ni Marlon Rivera produced by Atty. Joji Alonso ng Quantum Films at Dreamscape Digital ay nabanggit ni Eugene na posibleng magkaroon pa ito ng part 4, 5, 6, and so on and so forth.

“Ang sarap ma-update rin when we do the third part in a digital series, ganu’n talaga ‘yung pinupuntahan ng franchise na ‘to, ‘yung kami talaga ‘yung sign of the times, so hindi kami bibitaw. Malay n’yo merong 4,5,6.
“Right now, itong napag-usapan natin na hindi ko talaga palalampasin na hindi gawin ang Babae Sa Septic Tank 3 series at para ito sa mga kakulto ng septic tank,” pahayag ni Uge.

Ang nakaisip ng part 3 ay ang writer na si Chris Martinez na habang nanoood daw siya ng mga series at naisip din niya ang “Kimmy Dora” na mayroong 1, 2, and 3, kaya nasabi niya na puwede ring gawan ng third installment ang “Septic Tank.”

Sakto na naghahanap ng content ang Dreamscape Digital at iWant kaya kaagad silang nag-present sa business unit head ng Dreamscape na si Deo Endrinal.

“Power point nga lang ‘yung pinresent namin at naka-outline ‘yung mga episodes and what it is all about and they’ve approved it right away. And I think because of the excitement doon sa new platform kasi nagbabago na rin ang viewing habits ng audience ngayon. So parang we just want to be there.

“So, ang format ng ‘Babae Sa Septic Tank 3’ is parang bagay na bagay maging series kasi proseso ng paggawa ng pelikula, simula sa script, audition, pre-prod, shooting-shooting and post prod and then ang ending sa 7th episode is the premiere night.

“Kaabang-abang ‘yung escalation ng mga episode, that’s how it was designed,” kuwento ni Chris.

Bakit si Josephine Bracken ang naisip na karakter ni Chris para gampanan ni Uge, “Kasi siya ‘yung sa lahat ng leading ladies sa history, siya ‘yung pinili ng ating National Hero na si Jose Rizal and I was also looking at the idea na pinaka-absurd na puwedeng gampanan ni Eugene sa roster ng mga historical characters natin,” katwiran ng nagsulat ng script.

Nabanggit naman ni Atty. Joji na parte ng 2019 Cinemalaya ang “Babae Sa Septic Tank 3.”

“It’s gonna be part of the premiere section of Cinemalaya, we made a film version. We’re using the materials that we got from the series, pre-edited to make it one whole film. It will be on August 11,” saad ng Quantum Films producer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag ni Chris, “It’s a sort of homecoming kasi we started the ‘Septic Tank’ 1 in Cinemalaya (2011), maganda rin na bumalik doon.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending