Iñigo malinis ang kunsensya, never sinaktan si Maris


SA ginanap na #PPPGrandLaunch2019 para sa 10 pelikulang kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival na magsisimula sa Set. 12-19 ay narinig naming pinag-uusapan sina Inigo Pascual at Maris Racal na bida sa “I’m Ellenya L” na entry ng N2 Productions at Spring Films.

Ayon sa mga nagkukuwentuhang katoto, “Akala ko ba hindi okay sina Inigo at Maris? May pa-break-break my heart pa si Ate gurl? E, hayan, tsika naman sila to the max? So, pang-promo ito?”

Oo nga naman, hindi mali-limutan ng mga nakapanood ng Tonight with Boy Abunda ang guesting ni Maris na binreyk ni Inigo ang puso niya.

Nang makausap naman namin si Inigo sa event ng Sun Life ay nabanggit niyang okay sila ni Maris at good friends sila at wala naman siyang alam sa sinasabing sinaktan niya ang puso ng dalaga.

Base sa pagkakaintindi namin ay magka-loveteam ang dalawa at natural na kapag loveteam ay laging magkasama lalo’t pareho silang singer at may duet-duet ek din sila sa mga show.

At para kiligin ang fans ay kailangan sweet-sweetan ang magka-loveteam kaya naman ikinatutuwa ito ng kani-kanilang supporters at dahilan din para bumenta ang album at panoorin ang shows nila.

Ang tanong namin kay Maris, niligawan ba siya ni Inigo? O, baka naman umasa lang si Maris kay Inigo?

Iba na kasi ang takbo ng millennials ngayon, masyado nang advance to the point na kinumusta ka lang o tinanong kung kumain ka na at sinabihang ingat sa pag-uwi ay iisipin na nilang may gusto na sa kanila.

Kaya mas maganda pa rin talaga ‘yung may pag-uusap nang pormal hindi ‘yung pakiramdaman lang.

Kung napi-feel ng girl na sobrang alaga siya ng boy, tanungin kaagad kung type siya o pinasasakay lang para hindi umasa.

Anyway, nagmadaling umalis kasi sa #PPPGrandLaunch2019 sina Maris at Inigo kaya hindi na namin sila nainterbyu.

Hindi bale may mediacon naman ang “I’m Ellenya L,” doon na lang namin tatanungin si Maris at hindi namin siya titigilan hangga’t hindi niya naipaliliwanag kung bakit niya nasabing sinaktan siya ni Inigo.

Tama ba bossing Ervin? (Tomohhhhh! Ha-hahaha! – Ed).

Read more...