RitKen loveteam bibida sa bagong primetime serye ng GMA

GOOD news! May upcoming GMA primetime series na pala ang trending loveteam na “RitKen” o ang tambalan nina Kapuso stars Rita Daniela at Ken Chan na sumikat bilang BobRey sa hit teleserye na My Special Tatay.

Excited ang kanilang fans sa comeback project ng dalawa lalo pa nga’t sa primetime na nila mapapanood ang kanilang iniidolo. Sina Ken at Rita ay looking forward na rin sa muli nilang pagsasama.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Ken sa kanyang followers ang magandang balita: “Pagkalapag na pagkalapag ko ng Pilipinas may good news kaagad akong natanggap,” sabi ng Kapuso actor.

Nag-reply naman si Rita ng: “Ready na!!!” Siguradong ready na rin sa pagbabalik ng RitKen sa TV ang kanilang fans.

Read more...