Janine, Tom inaatake ng ‘sepanx’ sa pagtatapos ng Dragon Lady

MAMI-MISS ni Tom Rodriguez ang mga bonding moments nila sa set ng GMA afternoon series na Dragon Lady.

Sa huling linggo ng programa, promise ni Tom at ni Janine Gutierrez na marami pa silang pasabog na siguradong ikagugulat ng mga manonood.

“Iba rin yung mga bonding-bonding kapag nasa set, pag nasa standby area. Minsan nakalabas na rin kami na halos kumpleto yung buong grupo.

“Madalas, sabay-sabay kami kumakain kaya enjoy ang buong grupo, nakaka-miss yung atmosphere.
“Kanina lang nagtatawanan kami sa tent ng boys, kami nina Sir DJ (Durano), sila EA (Edgar Allan Guzman). Maagang-maaga pa lang kulitan na kaagad,” chika ni Tom.

Super grateful ang binata na ilang beses nang na-extend ng Dragon Lady at sa katunayan, marami pa ang nagsasabi na huwag munang tapusin ang serye.

Ayon kay Tom, mas lalo silang ginaganahang magtrabaho kapag nakakabasa at nakakarinig sila ng magagandang comments about Dragon Lady.

“It’s an ensemble, it’s a group effort. Hindi naman ano, e, it’ll be big-headed naman of me to claim na I’m the only part of that. It’s everyone.

“Of course, Janine has been doing an amazing job as Yna and Scarlet, grabe yung fierceness niya,” pahayag ni Tom.

Nang matanong kung ano ang most unforgettable scene na ipinagawa sa kanya sa Dragon Lady, ito raw yung mga eksenang nagru-rowing siya at yung nag-Mixed Martial Arts training siya para sa MMA fight nila ni Edgar Allan.

Samantala, ayon naman kay Janine, ngayon pa lang ay inaatake na siya ng “sepanx” o separation anxiety sa pagtatapos ng Dragon Lady.

“But of course, We’re very thankful and happy. Kasi masaya talaga yung bonding namin dito sa set, e.
“Mostly girls kasi kami e, so puro tsikahan puro kainan. These past few taping days pag may lunchbreak kakain kami sa labas, kung pupuwede. So iyon, mami-miss ko yung grupo,” sey pa ng dalaga.

Tutukan ang finale week ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

 

Read more...