2 pulis tinumba ng rebelde

NASAWI ang dalawang pulis matapos makaengkwentro ang mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army sa liblib na barangay sa bayan ng Bato, Camarines Sur, kaninang madaling araw.

Sinabi ni Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis nang makasagupa ang 18 rebeldeng NPA sa Brgy. Payak alas-5 ng umaga.

Tumagal ang bakbakan ng 20 minuto na nagresulta sa pagkamatay nina MSgt. Sotero Javier at Pat. Prince Lagdameo, kapwa miyembro ng 2nd Camarines Sur Provincial Mobile Force.

Read more...