13 di pinasakay ng eroplano

NAHARANG ng Bureau of Immigration ang 13 Pinoy na peke ang boarding pass sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong isang linggo.

Ayon kay BI Port Ope-rations Division Chief Grifton Medina, kabilang sa mga hindi pinayagang makasakay ay pitong lalaki at anim na babae na papunta ng Hong Kong at sasakay sa Cathay Pacific.

Nadiskubre ng mga empleyado ng Cathay Pacific ang mga pekeng boarding pass ng 13 Pinoy dahil wala sila sa manipesto at walang tiket mula sa airline.

“It seems that they are victims of scammers who prey on the public by selling fake tickets at cheap prices to entice their victims,” sabi ni Medina.

Dinala ang 13 pasahero sa Inter-Agency Council Against Trafficking para maimbestigahan.

Read more...