Presyo ng gasolina, diesel tataas

NAKATAKDA ang muling pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pahayag ng ilang industry player, aabot sa P1.10-P1.30 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Papalo naman sa 70 hanggang 80 sentimo kada litro ang ipapatong sa presyo ng diesel at kerosene.

Sa Martes ng umaga inaasahang ipatutupad ang oil price hike.

Ang panibagong dagdag-singil sa petroleum products ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market.

Read more...