MAS lalo pang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ngayong umaga ang lebel ng tubig sa Angat ay 159.15 metro bumaba ng 0.30 metro kumpara sa 159.45 metro noong Sabado ng umaga.
Ang kritikal na lebel ng dam ay 160 metro kaya nagpapatupad na ng rotational water service interruption sa Metro Manila.
Tumaas naman ng 0.10 metro ang tubig sa La Mesa dam na naitala sa 72.26 metro kahapon.
Parehong mas mababa sa critical level ang tubig sa dalawang dam na pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES