LPA papalapit magiging bagyo

PATULOY ang paglapit ng low pressure area sa kalupaan ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang LPA bukas (Lunes).

Ngayong umaga ito ay nasa layong 1,345 kilometro sa silangan ng Visayas.

Habang papalapit ay lalo umano itong magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa Martes ay inaasahang magiging isa na itong tropical depression o mahinang bagyo. Tatawagin itong Falcon, ayon sa PAGASA.

Read more...