HEART inokray ng mga kapitbahay dahil sa mga palengkerang kaibigan


MARAMI palang kapitbahay ang naimbiyerna kay Heart Evangelista recently. Sa nabasa naming entertainment website ay nasulat na nagkaroon kasi ng housewarming party si Heart sa kanilang subdivision.

Since it was a party, ang daming guests at nagkasiyahan talaga ang mga bisita ng Kapuso actress. Ang hindi lang maganda, nag-ingay yata nang todo ang mga bisita ni Heart, prompting the residents of the subdivision to complain.

Nagtungo raw ang mga kapitbahay ni Heart para pagsabihan ang aktres na pagsabihan ang mga bisita niya na ‘wag nang mag-ingay.

Very apologetic naman si Heart nang makausap ang mga nagko-complain na kapitbahay. Ang akala naman ng mga neighbors ay okay na, na tatahimik na ang mga bisita ng aktres.

But as soon as the neighbors left Heart’s house ay muli na namang nag-ingay ang mga bisita ng actress. Naging pasaway talaga ang mga bisita ni Heart na puro mga sosyal pa raw.

Well, you can’t buy manners. Wala itong price tag. It’s either you have it or you don’t. No in between.

( Photo credit to google )

Read more...