Julie Anne sasabak sa matinding biritan; may tribute sa mga diva

JULIE ANNE SAN JOSE

DEDMA muna si Julie Anne San Jose sa lovelife. Mas gusto muna niyang pagtuunan muna ng pansin ang kanyang career kesa sa pakikipagrelasyon uli.

Matagal-tagal na rin silang hiwalay ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves pero aniya, ine-enjoy niya ngayon ang kanyang pagiging single. Pero paglilinaw ni Julie Anne, never naman daw naging sagabal ang kanyang lovelife sa career kaya kahit single siya ngayon, inspired pa rin siyang magtrabaho.

In fairness, sunud-sunod ang ginagawang concert ngayon ng Kapuso singer-actress. After ng very successful na “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only” sa Cebu at Cagayan de Oro, at “Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn” kasama ang iba pang Kapuso artists, sasabak muli ang dalaga sa isa na namang challenge!

This time, walang patumanggang biritan ang gagawin ni Julie Anne sa isa na namang world-class concert experience, ang “Julie Sings The Divas” na gaganapin sa The Theater at Solaire sa July 20 (Saturday).

Sa nakaraang presscon ng dalaga para sa nasabing concert, inamin niya na ito na ang pinakamatinding challenge sa kanyang singing career dahil bosesan talaga ang labanan dito. Pahihirapan niya nang bonggang-bongga ang kanyang sarili with the timeless classics of music legends such as Barbra Streisand, Whitney Houston, Celine Dion and Mariah Carey, with UP Arco String Orchestra and under the baton of musical director Maestro Danny Tan.

“This will be another first for me. It’s going to be different and of course, it’s very personal to me. I’m going to perform with an orchestra, na hindi ko pa nagagawa in my past concerts and I’ve always wanted to do something like that.

“The songs and performances here will have a new approach to them and I think the audience will very much enjoy what we’ve prepared. I’m very excited,” ani Julie.

“Kasi, as much as possible I really want to challenge myself with another genre, which is the birit songs kasi it’s not my usual cup of tea. Promise po talaga, mag-eenjoy kayo sa concert, we will give you a fun and amazing night to remember,” dagdag pa niya.

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang boses, todo rin ang workout ngayon ng Asia’s Pop Sweetheart dahil mapapalaban din siya sa mga pasabog na dance numbers with Christina Aguilera and Lady Gaga’s hits.
“Okey naman ‘yung rehearsals, actually recently lang ‘yung band rehearsals namin, we have two more band rehearsals. ‘Yung last two rehearsals namin, with the orchestra and the strings na,” kuwento ni Julie Anne.

Aminado naman siya na kahit lumaki siya sa pagpe-perform, inaatake pa rin siya ng nerbiyos kapag pumapagitna na sa stage, “Opo naman, kinakabahan pa rin ako pero mas lamang ‘yung excitement.”

Bukod sa Journey lead singer na si Arnel Pineda at the UP Concert Chorus, may tatlo pang pasabog na surprise guests si Julie Anne sa concert. Kaya talagang sulit na sulit ang ibabayad at ilalaan n’yong panahon sa “Julie Sings The Divas.”

Presented by Sunny Side Up Productions (SSUP) and GMA Network in cooperation with Solaire Resort & Casino, “Julie Sings the Divas” is under the direction of Louie Ignacio. For ticket inquiries, visit https://ticketworld.com.ph or call 891-9999.

Read more...