Masaya at nakakakilig ang mga umagang naghihintay para sa Kapuso viewers dahil mapapanood na muli ang award-winning romance anthology na Wagas simula ngayong Agosto, but this time ay sa GMA 7 na ito eere.
Six years din ang itinagal ng Wagas sa GMA News TV at itinampok dito ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig na nagpakilig at nagpaiyak sa viewers.
Sa paglipat nito sa GMA 7, mas pinahaba na ang bawat istorya na tatakbo sa loob ng isang buwan.
Hindi lang ‘yan, nakaka-excite agad ang first love story na handog ng Wagas kung saan magkakatrabahong muli ang Ika-6 na Utos stars na sina Sunshine Dizon at Mike Tan. Pinamagatang “Throwback Pag-ibig”, makakasama rin nina Shine at Mike dito sina Leanne Bautista at Regine Angeles.
“Siyempre masaya kasi hindi ka na maiilang dahil kilala mo na ‘yung work ethics nu’ng tao,” ani Sunshine patungkol sa pagtatambal uli nila ni Mike.
Sey naman ng Kapuso actor, “Palagay na kami pagdating sa pag-arte especially doon sa Ika-6 Na Utos so I think mas magiging madali ‘tong trabaho namin ngayon.”