Tubig sa La Mesa tumaas, Angat bumaba

BAHAGYANG tumaas ang tubig sa La Mesa dam pero bumaba naman ang lebel ng tubig sa Angat dam, ang dalawang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naitala ang lebel ng tubig ng La Mesa dam sa 72.16 metro kahapon, tumaas ng 0.10 metro mula sa 72.06 metro noong Biyernes ng umaga.

Ang tubig naman sa Angat dam ay bumaba ng 0.24 metro o mula 159.69 metro ay naging 159.45 metro.

Nagpapatupad ng rotational water service interruption at mahinang water pressure ang Maynilad at Manila Water dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig.

Read more...