Edgar Allan: Ako ang dapat makatuluyan ni Janine sa Dragon Lady, hindi si Tom…
NGAYONG malapit nang matapos ang GMA afternoon series na Dragon Lady, siguradong nakararanas na ang cast members ng “sepanx” o separation anxiety.
Ayon sa tatlong bida ng serye na sina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez at Edgar Allan Guzman, mami-miss nila ang halos araw-araw na taping at ang mga bonding moments nila sa set.
Sa huling linggo ng Dragon Lady, siniguro nina Janine, Tom at EA na magugulat ang viewers sa mga susunod na episode dahil marami pang mangyayari sa kanilang mga karakter. Pero ang talagang inaabangan ng mga manonood ay kung sino nga kina Michael (Tom) at Goldwyn (EA) ang makakatuluyan ni Scarlet (Janine).
Ayon kay EA, si Goldwyn ang dapat makatuluyan ni Scarlet, “Kasi si Goldwyn totoo ‘yung nararamdaman niya for Scarlet, since day one nandoon siya kapag may problema si Scarlet nandoon siya.
“Maraming lalaking makaka-relate diyan. Para sa akin, dapat si Goldwyn kasi karapat-dapat siya, Hindi lang sarili niya iniisip niya, kasama si Scarlet sa buhay niya,” aniya.
Pahayag pa ng binata, “Nakakataba ng puso, nababasa ko ‘yung mga comments sa YouTube sa mga replay na ina-upload ng GMA Network. Gusto ko magpasalamat sa mga fans ng Dragon Lady, sa pagsuporta nila sa mga cha-racters namin.”
“Masaya rin ako na na-extend kami ng eight weeks. Blessing din ‘yun kasi kapag tumagal din kami at mara-ming supporters, masarap sa feeling. Kaya nakakalungkot na malapit na kaming matapos, pero ganu’n talaga, lahat may ending,” sabi pa ni EA.
Dagdag pa ng binata, “Marami pa silang dapat abangan sa Dragon Lady, tulad ng saan hahantong ‘yung pagmamahal ko kay Scarlet. Kung paano rin manggugulo si Michael. At paano parurusahan sina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa) sa lahat ng kasamaang ginawa nila sa pamilya ni Scarlet.”
Kaya huwag palalampasin ang huling pitong araw ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.