Ex-soldier saludo kay Matteo: Kung kami ngang mga nasa militar hirap na hirap na, siya pa kaya?

MATTEO GUIDICELLI

MATTEO Guidicelli has found a fan in a former soldier.

Isa na nga-yong university professor ang aming kausap na abut-abot ang paghanga sa actor na nakapasa kamakailan sa Scout Rangers Orientation.

Bilang military protocol, throughout this column ay tatawagin namin siyang Sandro. Mula 2001 hanggang 2005 noong mapabilang si Sandro sa Armed Forces bilang intelligence officer. Kinailangan niyang kumuha ng nasabing training to prepare him as an officer of the combat squadron to be assigned in Batangas in 2006.

“I admire him,” aniya, “as the program isn’t really meant for civilians. Kung kami na ngang nasa military service na, nahihirapan, how much more si Matteo?”

Sa malagubat na Camp Tecson sa Bulacan karaniwang nagsasanay ang mga Scout Rangers with 40 to 45 days to complete the course.

Alas tres y medya ng umaga’y tumatakbo na ang mga ito on the camp’s 20-kilometer stretch for two hours, may sukbit na five-kilo sandbag until it reaches 20 kilos in the course of the program.

By 6 a.m., maglulublob na sila sa putikan bago maligo para um-attend naman ng lecture from 8-10 a.m..

Ang tinatawag na Hell Week ang pinakamatindi. Nakasuot ng T-shirts at shorts, kailangang makarating sila sa designated outpost under time pressure nang hindi nahuhuli o nakokorner ng mga opisyal posing as enemies, “Otherwise, pinapalo kami ng yantok bilang parusa.”

q q q
Isang 21-year-old Batangueña stunner ang nagwaging Miss Charity in the Miss Philippines Tourism Queen International held recently in China.
Cheska Loraine Apacible competed with 35 other candidates.
Ang nasabing pageant ay brainchild ng Presidente nitong si Vic Torre who’s able to squeeze in this cause-oriented project with his active involvement in the medical service business. May mga naipatayo na siyang ospital sa UAE.
Layunin ng Miss Philippines to embark on more charity works in addressing the needs of the underprivileged, bukod sa pagpo-promote ng maraming magagandang tanawin na matatagpuan sa bansa.
A Business course graduate, Cheska or Kai believes na marami tayong mga likas yaman na maaari nating ipagmalaki in the eyes of the international community.
q q q
Isa na namang “Gaya-gaya! Kayang-kaya!” episode comes your way on Sarap, ‘Di Ba? this morning.
With guests DJ Onse as Velma and Teri Onor as Nura, in a sense ay mabubuhay ang rivalry ngdalawang iconic actresses via a raging cooking showdown.
Makakasama ng dalawang batikang impersonators ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy as the show’s loyal viewers witness a cooking battle.
Nura teams up with Mavy to go against Velma and Cassy in a competition to whip up a plate of pinakbet risotto by renowned chef, writer and restaurateur Ed Bugia.
Meanwhile, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose graces the show with her brand of music and her latest surprise for the fans.
Huwag palampasin ang lahat ng into of family, food, and fun only on Sarap, ‘Di Ba?!

Read more...