NAG-CELEBRATE ng kanilang third anniversary sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa Magandang Buhay.
Dito, binalikan ng dalawa kung paano nagsimula ang kanilang relasyon (2017) at kung paano nila inalagaan at ipinaglaban ang isa’t isa sa loob ng tatlong taon.
Ano nga ba ang maipapangako nila para sa isa’t isa ngayong going four years na ang kanilang relasyon?
“Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi akong nandito para sa iyo at palagi kitang aalagaan. At hindi na ako magpapaapekto sa kung anuman ang sasabin nila,” pahayag ni Jessy na unti-unti nang napapaluha.
“Hindi lang pangako. Gusto ko rin magpasalamat. Kasi ikaw ‘yung naging sandalan ko kapag nahihirapan na ako. Minsan kapag mahirap, palagi mo akong pinapatawa. Gusto ko lang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko at importante ka sa buhay ko,” dagdag ng aktres.
Para naman kay Luis, “She is the strongest person I know. And I promise na kapag dumating ‘yung araw na ‘yung strength na ‘yun ay medyo bumababa ng kaunti, I promise to be your strength. I promise to be there for you. I promise na I will try to make that beautiful lips or mouth smile everyday.
“I promise to love you from this day forth ’til that very, very special day that we get to say two words and so much more after that,” sabi pa ng TV host-actor na tila nagparamdam na sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Jessy.
Sa pamamagitan naman ng isang video, nagbigay ng mensahe si Cong. Vilma Santos para sa anak at kay Jessy, “I’m out of the country pero hindi puwedeng hindi ko kayo babatiing dalawa. Ang importante lang ay maligaya kayo.
“Lucky, you are very, very happy and I would like to thank Jessy for making you really happy with your life. So God bless you and if there’s anything nandito lang si momski. I love you both and we love you both. God bless your relationship,” sabi pa ni Ate Vi.