Mga Laro Sabado (Hulyo 13)
(Alonte Sports Center)
4 p.m. Marinerang Pilipina vs Cignal
6 p.m. Sta. Lucia vs Petron
Team Standings: F2 Logistics (7-0); Petron (5-1); Generika-Ayala (5-2); Foton (4-3); Cignal (2-4); PLDT Home Fibr 2-5); Sta. Lucia (1-5); Marinerang Pilipina (0-6)
TAPUSIN ang kampanya sa first round sa pamamagitan ng panalo ang hangad ng reigning champion Petron Blaze Spikers sa pagsagupa sa Sta. Lucia Lady Realtors sa kanilang 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference game ngayong Sabado sa Alonte Sports Arena, Biñan City.
Dakong alas-6 ng gabi magsasalpukan ang Lady Realtors at Blaze Spikers na puntirya ang ikaanim na panalo sa pitong laro sa prestihiyosong women’s club tournament na suportado ng Team Rebel Sports, SOGO, Eurotel, PCSO, Cocolife, UCPB Gen, Mueller, Senoh, Asics, Bizooku at One Sport.
Magsasagupa naman ang Marinerang Pilipina Lady Skippers at Cignal HD Spikers sa unang laro ganap na alas-4 ng hapon.
Ang Blaze Spikers ay pangungunahan nina Frances Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Mika Reyes, Bernadeth Pons, Rem Palma, Rhea Dimaculangan, Buding Duremdes at Sisi Rondina.
Sasandalan naman ng Sta. Lucia sina MJ Phillips, Pam Lastimosa, Amanda Villanueva, Rachel Austero at Rebecca Rivera para wakasan ang kanilang limang sunod na pagkatalo.