Tony pinaka-hunk na Jose Rizal sa ‘Ang Babae Sa Septic Tank 3’

SA bagong seven-episode na “Septic Tank” series, patutunayan ni Uge na kaya niyang magdirek, bumida, at magprodus ng una niyang pelikula tungkol kay Josephone Bracken, isang mestiza at ang huling kasintahan ni Jose Rizal.

Bilang direktor, pakikialaman ni Direk Uge ang lahat ng aspekto ng pelikula, maging ang script, editing, costumes, na magdudulot ng gulo sa set.

Kasa-kasama naman ni Eugene sa serye ang iba pang artistang gaganap bilang “bersyon” ng kanilang mga sarili, kabilang na si Tony Labrusca na ika-cast bilang ang pinakamachong Jose Rizal. Abangan kung may mala-Glorious bang eksena sina Uge at Tony sa serye.

Napanood na namin ang first two episodes nito at talaga namang sumakit ang panga namin sa katatawa sa mga paandar at pasabog ni Uge para sa part 3 ng “Babae Sa Septic Tank,” lalo na yung mga nakakalokang eksena nila ni Direk Joey Reyes.

Ka-join din dito sina Mylene Dizon at Joanna Ampil na gaganap bilang sina Narcisa at Saturnina, mga kapatid ni Rizal.

Para naman patotohanan o pabulaanan ang mga detalye sa pelikula, tampok din sa “Septic Tank 3” ang kilalang historian na si Ambeth Ocampo para ibahagi ang mga totoong kuwento tungkol sa mahahalagang karakter na ito sa kasaysayan.

“Sa panahon ng pandaraya, fake news, at pagbabago ng kasaysayan ngayon, ‘Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken’ ang pinakanakakatawa, pinakamahalaga, at pinakanakakatuwang series na mapapanood niyo sa iWant at kahit saan pa,” ayon naman kay Chris Martinez.

Bago naman mapapanood ang serye, maaaring panoorin nang libre sa iWant ang unang dalawang “Ang Babae sa Septic Tank” movies tungkol naman sa indie film industry at Pinoy romcom.

Ang “Ang Babae sa Septic Tank 3” ay mula sa Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at Dreamscape Digital. Abangan ang pitong episodes nito simula July 17 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Read more...