Milyong-milyong pondo ng bus company nawawala? | Bandera

Milyong-milyong pondo ng bus company nawawala?

Den Macaranas - July 12, 2019 - 12:15 AM

PINATALSIK sa kanyang pwesto bilang pinuno ng kumpanya si Leo Rey Yanson na siyang dating pa-ngulo ng Vallacar Transit Inc. (VTI), Bachelor Express Inc., Rural Transit Mindanao Inc., Sugbo Transit Express Inc. at Mindanao Star Business Transit Inc.

Ang nasabing kumpanya ay bahagi ng Yanson Group of Bus Companies na mayroong 4,800 bus units nationwide at mga empleyado na hindi bababa sa 18,000.

Si Leo Rey na pinatalsik sa kanilang kumpanya ay pinalitan ng kanyang kuya na si Roy na suportado ng kanilang mga kapatid na sina Ricardo Yanson, Lourdes Celina Yanson-Lopez at Emily Yanson.

Sinabi ng aking cricket na may ilang mga cash withdrawals ang sinasabing sangkot kaya nagpasya ang magkaka-patid na itake-over ang o-perasyon ng Vallacar Transit mula sa pamumuno ni Leo Rey.

Sa sulat ng Chief Financial Officer ng nasabing bus company na si Celina Yanson-Lopez, napag-alaman na nag-withdraw raw ng limpak limpak na salapi ng kumpanya si Leo Yanson nang walang anumang pahintulot galing sa ma-nagement at sa board.

Malaki ang sinasabing sangkot na pera na siyang subject ngayon ng patuloy na auditing process sa mga bank transaction ng Vallacar Transit.

Nang komprontahin diumano ni Lopez si Leo Rey Yanson, sinabi nitong karapatan niyang kumuha ng pera ng kumpanya ng walang abiso bilang tagapangulo nito.

Ito na ang lalong nagpa-init sa sitwasyon ng kumpanya na itinayo ng mag-asawang sina Olivia at Ricardo Yanson.

Ipinaliwanag rin ng a-king cricket na pantay-pantay ang share ng magkakapatid na Yanson sa nasabing bus company kaya dapat lang na ituring na pantay rin ang kanilang mga karapatan sa kumpanya.

Sa ngayon ay tiniyak ng bagong management team ng Vallacar Transit Inc. na pangangalagaan nila ang kapakanan ng halos ay 18,000 empleyado ng kumpanya samantalang tuloy ang kanilang paghahanap sa nawawalang pondo.

Kanila ring tiniyak ang patuloy na serbisyo sa kanilang mga pasahero sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang susunod na kabanata sa balitang ito dito lamang sa Wacky Leaks.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending