‘Senior’ automatic member ng PhilHealth?

ISA pong pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Kamakailan lang po ay nag-60 ang mother ko na si Edna Velasco kaya po agad kaming pumunta sa munisipyo para kumuha ng kanyang senior citizens ID. Nakakuha naman po kami, pero may gusto po sana akong itanong sa Philhealth. Paano po ba mag-apply para maging miyembro ang aking nanay? Ang nabalitaan ko po kapag senior citizen na ay automatic nang miyembro ng Philhealth. Tama po ba? Sana po ay matulungan ninyo ako sa dapat kung gawin para sa mother ko. Umaasa po ako na agad na sasagutin ng Philhealth ang aking katanungan Nag-alala lang po kasi ako. Alam n’yo naman pag nagkaka-edad na ay lumalabas po talaga ang mga sakit. Pero ung may proteksyon po o benefits mula sa Philhealth ay hindi na po kami gaanong mag-aalala. Salamat po at sa pamamagitan ng inyong column at maiparating namin sa Philhealth ang aking katanungan.
Mabuhay po ang inyong pahayagan.

Jaren Velasco
Gold Ave., Maryhomes
Molino, Bacoor, Cavite
REPLY: Bb. Velasco,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na ang mga senior citizens na hindi sakop sa anumang uri ng katergorya ay maaaring maging miyembro ng PhilHealth.
Ang mga miyembro ng senior citizen ay maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA sa munisipalidad na nakakasakop sa kanilang lugar para sa paunang pagpaparehistro na siya namang isusumite ng OSCA sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) na may awtorisadong operasyon sa lokalidad para isagawa ang validation at proseso ng enrollment.
Maaari ring makipag-ugnayan ang mga senior citizens sa pinakamalapit na LHIO sa kanilang lugar. Ipasa ang napunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) kalakip ang kopya ng Senior Citizens’ Identification Card (dalhin din ang orihinal na ID) at 1×1 photo na kinunan sa loob ng nakalipas na anim (6) na buwan.
Nawa po ay amin kayong natulungan.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE
ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...