Kris Bernal sa pagganap bilang multo sa serye: Nakakaiyak na nakakabaliw!

By Bandera July 12,2019
share this

Kris Bernal sa pagganap bilang multo sa serye: Nakakaiyak na nakakabaliw!

By Bandera July 12,2019
share this

KRIS BERNAL

“IYAKAN na nakakabaliw!” Ganyan kung ilarawan ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang bago niyang teleserye sa GMA 7, ang horror-suspense-drama na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Makakasama niya sa latest GMA Afternoon series na ito sina Megan Young, Rayver Cruz at Kim Domingo. Mananakot tuwing hapon ang nasabing serye dahil gaganap na multo si Kris na hindi matahimik dahil sa matinding pagmamahal niya sa katakter ni Rayver.

Sa naganap na presscon ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, aminado si Kris na pahihirapan na naman niya ang sarili bilang bida-kontrabida sa programa. Dito, gagawin niya ang lahat para maisama sa kabilang-buhay si Rayver na gaganap namang asawa ni Megan.

“Nagmahal ako, iniwan ako, nabaliw, nagpakamatay, nagmulto. Iyakan na naman ito pero may baliwan factor, alam mo yun? Dahil nga patay na ako (Naomi), pero hindi matahimik ang kaluluwa ko dahil mahal na mahal ko pa rin si Mateo (Rayver). So, gagawin ko ang lahat para mabawi siya.

“Ang dami kong kailangang isipin at ibigay na emos-yon sa isang eksena pero gusto ko yun, e, at yun yung gusto kong challenge,” kuwento ni Kris.

Ka-join din sa Hanggang sa Dulo Ng Buhay Ko sina Boots Anson-Roa, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, Euwenn Aleta at Beverly Salviejo.

Magsisimula na ang Hanggang sa Dulo Ng Buhay Ko sa July 22, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga, sa direksyon ni Jorron Lee Monroy. Ito ang papalit sa malapit nang magtapos na Dragon Lady.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending