BEFORE doing “Hello, Love, Goodbye” ay medyo mataba pa si Alden Richards kaya naman gumawa siya ng paraan to lose weight.
“Sarili ko pong programa I never asked for any help. I just did my own workout, meals and diet. Kaya ko pala siya mag-isa,” say niya.
Alden lost 25 pounds at bumagay sa kanya ang role ni Ethan sa movie. Very grateful si Alden na nakagawa siya ng movie sa Star Cinema kasama si Kathryn Bernardo.
“Of course, I am very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito. May hindi po ako makalimutan na sinabi ni direk Cathy (Garcia-Molina) during the storycon when we were being interviewed by the TV crew. Nakita po ni direk na magkatabi ang mic ng ABS-CBN at GMA. Sabi niya, ‘Ay, puwede pala.’
“Sana po ay ito ang mag-start ng collaboration ng different networks, different artists, actors na sa isang project magsama and to be able to make good story to the audience.”