Vice, Anne magsisteraka sa ‘Momalland’, pag-aagawan si Tony

VICE GANDA AT ANNE CURTIS

MAGSASAMA sa isang pelikula sina Vice Ganda at Anne Curtis na ilalaban ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival 2019.

Ginanap na kamakailan ang storycon ng movie with working title “Momalland” kung saan parehong present sina Vice at Anne.

Makakasama rin nila sa pelikula ang hunk actor na si Tony Labrusca. Kanino kaya mapupunta ang controversial actor? Kay Vice or kay Anne?

Sabi ni Vice, matagal na niyang naisip na isali si Tony sa kanyang next movie. Nu’ng tanungin daw siya kung sino ang mga gusto niyang makasama sa pelikula, isinulat agad niya ang pangalan ng hunk actor.

Hinanapan daw talaga nila ng magandang character ang aktor na swak sa kanya.

Sa feeds sa social media, warring sisters ang character nina Vice at Anne. At sa latest tweet ng TV host-comedian ay nakapag-first shooting day na sila.

Read more...