Maine tuwang-tuwa nang mabili ang favorite candy; humingi pa ng tulong sa mga netizens

MAINE MENDOZA

NATAKAM si Maine Mendoza sa isang candy na childhood fave niya kaya ipinost niya ang litrato nito sa social media.

Nagtanong ang Dubsmash Queen sa kanyang followers kung saan siya makakabili nito.

Agad namang nagkomento ang followers niya para sabihin na sa isang store puwedeng makabili ng paborito niyang candy.

Ang mga followers naman niya na nasa Singapore ay nagsabing dadalhan siya nito pag-uwi nila ng Pilipinas.

Matapos ang ilang oras, nag-tweet ng photo si Meng para sabihin na, “Guys meron na ako!!! Sooo happy!!!”

Sa isang Japanese store raw siya nakabili nito na talagang nagpapaalala sa kanya ng kanyang childhood.

Anyway, magsasama sina Meng at Boy Abunda sa isang brand talk plug na ilalabas na sa July 12.

Read more...