Utos ni sexy star sa alalay: Buy ka ng condom, magkikita kami ng dyowa ko!


PALAGING pinagpipistahan sa maraming umpukang-showbiz ang isang sexy female personality na walang preno ang bibig.

Wala siyang pakialam kung marami mang miron sa kanyang paligid, wala rin siyang pakialam kung pati ang kasikre-sikretong bahagi ng buhay niya ay nabubuyangyang, keber-keberan lang ang seksing babae.

Maraming kuwento tungkol sa sexy star na ito, pero ang pinakapinagpipistahan ay ang pagiging sikretong karelasyon kuno ng mga kilalang pigura sa ating lipunan.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Walang preno ang mouth niya, sa totoo lang! Kapag break nila sa taping, e, kung anu-ano ang pasigaw niyang inuutos sa PA niya!

“Tama bang sabihin niya ang ‘Bumili ka ng condom, magkikita kami ng boyfriend ko after ng taping!’ Ganu’n na ganu’n nga! Wala siyang pakialam kung marami mang nakakarinig sa mga ikinukuda niya!

“Sa totoo lang, mahihilig na sa girls ang mga male personalities na kasamahan niya sa show, pero windang na windang pa rin sa kanya ang mga kalalakihan!

“Kesehodang bumukaka pa kuno sa harapan nila ang girl na ‘yun, e, hindi nila papatusin dahil sobrang bulgar ng bibig niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Masyado ring palakuwento ng kanyang pagbiyahe sa langit ang sexy star, walang-kasawa-sawa niyang idinadaldal ang mga ginagawa nila ng karelasyon niya, sa totoo lang!

Patuloy ng aming source, “Ibinubuyangyang niya pati ang mga ginagawa nila ng kung sinumang karelasyon niya, sa totoo lang. Parang wala lang sa kanya ang mga ganu’n kaseryosong topic!

“Ang akala niya siguro, e, natutuwa ang mga nakakarinig ng kuwento niya, kung alam lang niya kung paano siya pintas-pintasan ng mga pinagkukuwentuhan niya ng mga sexcapades niya!

“Wala na siyang itinatago, hubad na nga siya nang hubad, pati ba naman ang mga ginagawa niya in private, e, ikinukuwento pa niya?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pangaralan n’yo nga ang babaitang ‘yan! Sabihan n’yo siya na kimkimin na lang niya ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya! Huwag niyang ipinagmamakaingay! Kimkimin na lang niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...