SUPER lovable talaga itong si Matteo Guidicelli. Mas lalo pa namin siyang nagustuhan nu’ng mapanood namin ang video niya for Sunlife’s “Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships” launch wherein he paid tribute to his late grandfather whom he calls Nono.
Very close pala siya sa kanyang Nono kaya naman siya ang napili ng Philippine Army Reservist na “Kaakbay” niya sa buhay. Proud na inilahad ni Matteo na isang self- made businessman ang kanyang lolo sa Italy.
And he would travel from Italy to the Philippines just to be with his first apo, si Matteo nga. In honor, nagtayo ng dalawang Italian restaurants ang binata dedicated for his Nono.
“There’s a lot of things we dedicated to him and the fact Sunlife decided to make content about him, his story is such an honor and a blessing. It relives his legacy. It’s a representation of my family, for my parents. So, I’m very thankful to Sunlife for sharing the story of my grandfather,” lahad ni Matteo.
Feeling niya his Nono is just around and still guiding him. Gaya na lang daw when he did Dolce Amore sa ABS-CBN. His first taping day was shot in Venice, Italy kung saan ipinanganak ang kanyang lolo. At the same time, that day also was his Nono’s birthday.
Based sa mga pictures ng Nono Mateo napakagwapo rin pala nito na mala-James Dean ang itsura. Pagpapatunay lang na nakapaganda talaga ng lahi ni Matteo. Kaya sure kami na kapag nagkaanak sila ni Sarah Geronimo ay artistahin din.
Ewan nga ba kung ano pa ang hinihintay ng AshMat at ayaw pa nilang magpakasal. Tutal naman ay gusto nang iuwi ni Sarah si Matteo nu’ng makita niya ang tinutulugang tent ng boyfriend during his military training.
Nang tanungin naman siya kung pinaplano na nila ni Sarah ang kanilang wedding, ngunit lang si Matteo sabay sabing, “Pray n’yo ako para maging okay lahat ba. Bahala na, tingnan natin.”
Maraming kinilig na fans nu’ng ikuwento ni Matteo sa Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros and Jolina Magdangal ang pagbisita ni Sarah sa military camp.
Pero halos maiyak naman ang binata nu’ng ikwento niya ang kalagayan nila sa training, lalo na nu’ng dalawin siya ni Sarah.