Mayor Isko Moreno nakatapak ng dumi ng tao 

NAKATAPAK ng dumi ng tao si Manila Mayor Isko Moreno habang nagsasagawa ng inspeksyon sa Andres Bonifacio Shrine sa Lawton, Maynila.

“Oh ayan nakaapak na nga ako e. Sino swerte? Yayaman! Oh ayan tae! Swerte raw yan, magkakapera ako,” sabi ni Moreno sa isang Facebook live.

Ilang talampakan lamang ang layo ng Andres Bonifacio Shrine sa Manila City Hall.

Idinagdag ni Moreno na tinatayang 100 dumi ng tao ang natagpuan sa palibot ng monumento, dahilan para ipag-utos ni Manila Police District Chief Vicente Danao ang pagsibak kay Police Community Precinct commander ng Lawton. Joshua Jazz Lapitan, OJT

Read more...