MAHIGIT sa 100 aftershock ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology matapos ang magnitude 5.6 lindol sa North Cotabato.
Naramdaman ang lindol alas-8:36 ng gabi at ang epicenter nito ay 15 kilometro sa kanluran ng Makilala, North Cotabato. May lalim itong 10 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity V paggalaw sa Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Koronadal City; at Santa Cruz, Davao Del Sur.
Intensity IV naman sa Magpet, Matalam, Kabacan at Tulunan, North Cotabato; Davao City; Polomolok, Tupi, Tampakan, at Sto. Nino, South Cotabato; Tacurong City; President Quirino, Sultan Kudarat; Glan at Malungon, Sarangani.
Intensity III naman sa General Santos City; Kiamba, Sarangani; Kalilangan at Damolog, Bukidnon; Carmen, North Cotabato; at Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Intensity II naman sa Cotabato City; Nabunturan, Compostela Valley; Valencia City; Maramag, Lantapan, Cabanglasan, Kadingilan, at Kibawe, Bukidnon; at Pikit, North Cotabato.
Naramdaman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity I sa Zamboanga City.
Alas-10:12 ng gabi ng maramdaman ang aftershock na may lakas na magnitude 4.8 sa Makilala, North Cotabato at ilan pang mas mahihinang aftershock.
Ngayong alas-8:56 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 4.9 aftershock.
Nagdulot ito ng paggalaw na may lakas na Intensity V sa Kidapawan City. Intensity II sa Kalilangan, Bukidnon; Cagayan de Oro City; Davao City. Intensity II sa Tupi, South Cotabato, at Intensity I sa Alabel, Sarangani; Cagayan de Oro City.