Martial Law na sa kalye | Bandera

Martial Law na sa kalye

Ira Panganiban - July 10, 2019 - 12:15 AM

ISANG pasyente sa loob ng ambulansya ang maagap sanang nailigtas ang buhay kung hindi dahil sa sama ng ugali ng lahat (minsan kasali ako doon) ng driver sa Pilipinas.

Namatay ang pasyente dahil hindi siya umabot sa ospital kung saan naasikaso sana ang karamdaman niya ng mas mahusay na kagamitang medikal.

Mayroon kasing pag-iisip ang mga drayber sa bansa natin na dahil nasa ambulansya na, nagagamot na ang pasyente.
Hindi ko lang minsan nadinig ‘yan sa taxi at jeepney driver.

“Bayaan mo siya maipit, may gamot at doktor naman sa loob ng ambulansya e.
Tsaka lahat naman tayo nagmamadali e!”

Yan ang madalas na pilosopiya ng hindi alam ang importansya ng mga emergency vehicles.

Ang isip kasi ng lahat ng mga driver na Pilipino ay sila lang ang nagmamadali kaya dapat lahat ng kasabay nila sa kalye ay dapat sila padaanin.

Idagdag pa natin ang ugali ng mga politiko at owtoridad na nambabastos sa kalye gamit ang ambulansya, trak ng bumbero, police car at yung may mga tatak na “For Official Use Also (Only pala).”

Panahon na para ipatupad ang tamang batas sa pagmamaneho sa bansa natin.
Dahil safety issue palagi ang traffic violation, kulong agad ang dapat sa mga ito.

Ibig sabihin, kapag nahuli sa traffic violation, sa presinto na agad magpaliwanag, wala ng satsat pa sa kalye.

Ibalik din ang dating tinatawag na “moving violation” na magbibigay kapangyarihan sa traffic enforcer na manita at manghuli/ikulong ang mga driver na lumilipat ng lane ng walang signal, cutting lanes, counterflow, hindi pagbigay sa nagoovertake ay siyempre ang pagharang sa mga emergency vehicles.

Sa totoo lang, magalit na ang magagalit, kailangan na natin ng Martial Law sa trapik dahil nasa state of lawlessness na ang lansangan natin.

Ang masakit pa nito, wala nang respeto sa traffic authority ang mga driver, maging traffic lights, traffic signs o traffic enforcer pa sila.

Dahil ang pagmamaneho sa atin ay “isang karapatan” daw na hindi dapat suhetohin.
At pag dinisiplina, sigurado papasok ang rally ng mga aktibista o politikong magsasabi na huwag muna ipatupad ang batas dahil kawawa naman ang api, tulad nung mga walang papeles na TNVS na gusto payagan bumiyahe kahit iligal sila.
Di ba Poe?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon sumulat sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending