Gabbi Garcia may 100K subscribers na sa YouTube

GABBI GARCIA

Nakikipagsabayan si Gabbi Garcia sa mga celebrities na umaariba ang career sa YouTube.

Aba, as of his writing, pumalo na sa mahigit 100K ang subscribers ng Kapuso Millenial It Girl at Global Endorser, huh!

Sa kanyang YouTube channel kasi naibabahagi ni Gabbi ang vlogs niya about her travels, original music at ang pagsabak sa mga nakakatuwang challenges.

Nagpasalamat siya sa kanyang mga supporters at nangakong gagawa pa ng mas maraming vlogs para maging updated ang mga ito sa mga ganap sa kanyang personal life at showbiz career.

Mas ganado at mas inspired ngayong magtrabaho at gumawa ng mga video si Gabbi dahil na rin sa mas gumaganda pang relasyon nila ng kanyang special someone na si Khalil Ramos.

Read more...