Maureen tsugi sa EB dahil ‘di pa rin marunong mag-Tagalog

MAUREEN WROBLEWITZ

Ang feeling ng mga netizens, natanggal ang Asia’s Next Top Model grand winner na si Maureen Wroblewitz sa Eat Bulaga dahil hirap na hirap pa rin siyang mag-Tagalog hanggang ngayon.

Nami-miss na ng mga Dabarkads si Maureen, kabilang na riyan ang naging friend na rin niyang si Pia Guanio.

Kamakailan ay kinumpirma ni Maureen na wala na nga siya sa Eat Bulaga sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. Dito, nabanggit ng dalaga na kinakarir na niya ang pagsasalita ng Tagalog.

Tweet ni Maureen, “When I left EB and my schedule was more open, the first thing I did was contact my first ever tutor in the Philippines and I decided to start taking classes alone and paying the extra money.”

Isa naman sa mga nag-comment sa post ni Maureen ay si Pia na nagsabing miss na niya ang dating Dabarkads.

Read more...