Mister ni Beauty lumalaban din para sa mga kababaihan

BEAUTY GONZALEZ AT NORMAN CRISOLOGO

Napag-uusapan na rin lang si Beauty Gonzalez, feeling blessed din ang aktres dahil all out ang support sa kanya ng asawang si Norman Crisologo pagdating sa kanyang career. Big fan din daw ito ng Kadenang Ginto.

“He is not the typical husband, ‘yung husband ko naman more on the liberated side na gusto niyang i-empower ‘yung lahat ng babae na parang hindi porket may anak ka na, may asawa ka na, hindi ka na pwede magka-love team. Sabi niya tignan mo nga ‘yung mga Hollywood actors and actresses, di ba?” kuwento ni Beauty.

Sa nakaraang presscon naman ng KG book 3, sinabi rin ni Beauty na advocate si Norman ng women empowerment, “Iyon ‘yung plataporma ko na gusto kong ipakita sa lahat ng mga aktor ng ABS-CBN na porket may asawa na kayo at may mga anak na kayo, huwag kayong magpabaya.

“Kayang-kaya pa natin magpakilig at mag-portray ng real family so that’s what I am pushing right now and that’s what my husband is pushing right now,” dagdag ng aktres.

Nang tanungin kung ano ang sikreto sa tagumpay ng Kadenang Ginto, “For me what really makes a good teleserye are the writers behind it. They are the real Mondragons. So that’s what makes the thing works kasi magaling ‘yung writer, magaling ‘yung nag-isip ng Kadenang Ginto and the directors who are guiding us and you know thankful din kami sa directors namin because they give us the trust na pwede naming gawin.

“Nagsa-suggest kami ni Dimples kung ano ‘yung mga eksena namin and siguro we are both happy and contented with our lives that’s why kahit anong gagawin namin dalawa okay lang,” aniya pa.

Read more...