WALA pang isang linggong natapos ang mediacon para sa book 3 ng seryeng Kadenang Ginto kung saan napag-usapan ang memes ni Dimples Romana bilang si Daniella Mondragon ay may bagong good news na naman ang aktres para sa kanyang fans and followers.
Dahil nga sa mga viral memes ni Dimples as Daniela sa Kadenang Ginto kung saan ibinandera ng mga netizens ang “pagpunta” niya sa kung saan-saang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa ay binigyan ng bagong “assignment” ang aktres.
Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa Bandila nabanggit ni Dimples na payag siyang makipag-collaborate sa Department of Tourism at willing siyang maging endorser ng ahensya para sa pagpo-promote ng turismo sa bansa. Biro pa nga ni Dimples may extra pa siyang limang pulang damit.
Napanood pala ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat at ni-repost ang panayam ni Dimples sa kanyang Instagram account nitong Lunes.
Aniya sa caption, “In a recent interview, both Ms. @dimplesromana and Ms. @beauty_gonzalez mentioned the Department of Tourism because of their memes that are now trending.
“We will be more than happy to welcome Dimples and Beauty to be part of the fun! Thank you for being our volunteer tourism ambassadors and congratulations on going viral! #DaniGurl #itsmorefuninthephilippines.”
At nito ngang nakaraang Lunes, Hulyo 8 ay dinalaw ni Dimples ang Kalihim ng DOT sa opisina nito.
Base pa rin sa post ni Ms. Puyat, “GUESS WHO SURPRISED ME THIS AFTERNOON??? Missing you @beauty_gonzalez! #Repost@mariodumaual #ohdani! The evil Daniela still in red OOTD @dimplesromana finds her new nemesis in Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat @bernsrp.
“The actress, minus her luggage, made a surprise courtesy call to volunteer as tourism advocate of PH heritage sites/ destinations; and to teach Puyat how to be a contravida,” aniya pa.
Samantala, nagpadala kami ng mensahe kay Dimples tungkol dito pero hindi pa niya kami sinasagot. At maging ang handler niya sa Star Magic ay hindi pa rin kami binabalikan.