Panelo handang maka-debate ang misis ni George Clooney na si Amal Clooney

HINAMON ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang international human rights lawyer at misis ni George Clooney na si Amal Clooney sa isang debate.

Sa isang briefing, tahasang sinabi ni Panelo na seryoso siyang harapin ai Clooney sa isang debate.

“Palagay ko naghahanap lang sila ng katapat ko,” sabi ni Panelo

“Kasi kapag kaming dalawa ang nagdedebate ni Maria, medyo kawawa naman, kasi hindi naman siya abogado; aba eh kailangan may abogado rin siya, ayun…maganda pa, sexy pa,” ayon pa kay Panelo.

Ito’y matapos ang ulat na sasama si Clooney sa legal team ng Rappler chief na si Maria Ressa.

Idinagdag ni Panelo na hindi nababahala ang Malacanang sa plano ni Clooney.

“Hindi naman siya—ano ba namang… nasa Supreme Court na nga eh. Di ba, nag file na sila sa Supreme Court… naghahanap lang ng kakampi iyon,” ayon pa kay Panelo. 

“They are welcome to defend Maria,” sabi pa Panelo. 

Read more...