SINIBAK ang isang pulis na nakatalaga sa Marikina City matapos na bugbugin ang isang walong-anyos na batang lalaki sa Pasig City, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na tinanggal niya sa puwesto si Police Staff Sgt. Nicolas Lapie Jr. matapos maaktuhang sinasaktan ang isang bata, na naglalaro lang ng basketball game sa Barangay Bambang sa Pasig City, alas-7:56 ng gabi noong Linggo.
Naaktuhan so Lapie na hawak ang leeg ng bata at sinimulan niya itong gulpihin.
Tinangka ng mga residente na awatincsi Lapie at kalaunan ay dinala sa Women and Children Protection Desk ng Pasig police station.
Kinasuhan si Lapie ng physical injury kaugnay ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Idinagdag ni Eleazar na kasalukuyang nakakulong si Lapie sa Pasig City police station custodial cell.
Dating nakatalaga si Lapie sa Marikina police station.