Daniel: Si Nadine fearless na babae, si James pogi at talentado

DANIEL PADILLA, JAMES REID AT NADINE LUSTRE

Grabeng challenge ang inabot ni Morissette Amon sa Gandang Gabi, Vice “Best Paandar” episode last Sunday.

Imagine, pinakanta siya ni Vice Ganda habang nakahiga. Carry naman ng dalaga pero ang nakakaloka talaga ay nang pinakanta siya habang may nakalagay sa kanyang bunganga na mouth guard. Again, na-carry pa ring bumirit ni Morissette.

Ibang klase pala talagang singer itong si Morissette, ‘no? Wala siyang inuurungang challenge.

Sa “Tanong Mo, Mukha Mo” ay naupo naman si Daniel Padilla. Unang isinalang ang photos nina Nadine Lustre at James Reid.

“Gusto kong sabihin na ang rock ‘n roll niya din. Fearless siyang babae. Si Pareng James, masyadong pogi ang tao na ito. Pogi ang taong ito at talentado sa pagkanta, magaling pang sumayaw so the ultimate artista ‘yan,” say ni Daniel.

Pinilit ni Vice na magtanong si Daniel para mapanindigan ang segment na ‘yun. Napilitan naman ang actor and he asked, “James, Nadine, gaano na ba kayo katagal?”

When the photo of Liza Soberano and Enrique Gil surfaced, sabi ni Daniel, “It’s a perfect love team. Masyadong maganda ang mga tao na ito. Talentado na, magaganda pang mga tao at mababait.”

Nang umapir ang photo ni Kathryn Bernardo, tanong ni Daniel, “Siya ang tanungin natin, love mo ako?”

Read more...