Sharonians bad trip sa pagkatsugi ni Mega bilang coach ng The Voice Kids

SHARON CUNETA

BALIK sa pagiging hurado sa bagong season ng The Voice Kids sina Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga.

May nabalita kasi sa social media na nag-resign na raw si Lea sa bagong season ng TVK dahil magko-concentrate na ang international singer sa bago niyang negosyo plus ibang projects pa niya sa theater.

Pero kinausap daw ng management si Lea at inayos ang schedule niya para ma-accommodate ang pagiging judge/mentor niya sa Kapamilya talent show.

Nagawan naman daw ng paraan ng production ang problema kaya mapapanood pa rin si Lea sa talent show ng ABS-CBN.

Umalma naman ang ilang fans ni Megastar Sharon Cuneta, kinuwestiyon nila kung bakit ‘di na nakasama ang idolo nila bilang coach sa The Voice. According to them, malaking factor si Sharon kung bakit mataas ang ratings noon ng TVK.

Sa pagkawala ni Sharon sa show, ‘di na raw sila manonood ng TVK na maaaring makaapekto sa Kapamilya show.

From a source, may concert tour daw kasi na gagawin si Mega sa iba’t ibang bansa. Maaaring ito raw ang dahilan kaya nawala siya sa The Voice.

Read more...