Mylene lumaban ng laplapan kay Kit Thompson

MYLENE DIZON AT KIT THOMPSON

Simula sa August ang opening night ng Cinemalaya 2019 at mapapanood ang mga entry simula sa Aug. 3 sa CCP hanggang Aug. 7 ayon sa post ng lawyer-producer-turned film director na si Atty. Joji Alonso.

Mula sa CCP, mapapanood sa outside cinemas ang mga pelikula mula Aug. 7 hanggang Aug. 13.

Isa sa entries ang directorial debut ni Atty. Joji, ang “Belle Douleur (Beautiful Pain)” na pinagbibidahan nina Mylene Dizon at Kit Thompson na ngayon pa lang ay kontrobersyal na dahil sa tema nitong “May-December” affair with a twist.

Sa trailer pa lang ay nakita na kung paano nakipaglaplapan at nakipagchurvahan si Mylene kay Kit.

Ilan pa sa entries base sa poster na naka-post sa social media ang “Malamaya”, “Iska”, “Fuccbois”, “Tabon”, “Edward”, “Pandanggo Sa Hukay”, at “John Denver Trending.”

After ng Cinemalaya, susunod naman ang Pista ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre na project ng Film Development Council of the Philippines.

Sa inilabas na official entries ng PPP, inaabangan na ang Regal movie na “Cuddle Weather” kung saan magtatambal sina RK Bagatsing at Sue Ramirez.

Sa poster pa lang ay nagpaka-daring na si Sue na siguradong ikagugulat ng kanyang supporters, huh!

Read more...