Alden umamin: Na-intimidate talaga ako kay Kath…

ALDEN RICHARDS AT KATHRYN BERNARDO

Na-intimidate pala si Alden Richards kay Kathryn Bernardo nang magsimula na silang mag-shooting para sa movie nilang “Hello, Love, Goodbye.”

Nagkuwento ang Pambansang Bae tungkol sa bago niyang leading lady sa guesting niya kahapon sa morning show ng GMA na Mars Pa More hosted by Iya Villania and Camille Prats.

“Una, medyo intimidated talaga ako kay Kath. Sobrang parang nahiya ako. Siyempre, lahat ng mga nakakakilala sa akin, kilala nila ako na maligalig, makulit.

“Tahimik lang ako. Talagang hindi ko muna masyadong ginalingan ang pagiging makulit kasi nakakahiya, e. So, ang ginawa ko na lang, since it’s another network, nangapa muna ako kung ano ang mga dapat galawan du’n.

“But it turns out, wala silang ipinagkaiba sa atin, dito sa network natin—hardworking, passionate people, magaling makisama. Hindi ako nahirapan, especially to work with Kath, kasi very humble din, easygoing, saka we share the same passion towards the film,” pahayag ni Alden.

Read more...