Kalat na: Ian Veneracion lilipat na rin sa GMA 7, isasabak sa teleserye nina Derek at Andrea

IAN VENERACION

LUMUTANG sa isang Facebook account na Kapuso League na magbabalik din sa Kapuso network si Ian Veneracion.

Balitang bibigyan din ang aktor ng espesyal na role sa GMA Telebabad series na The Better Woman starring Derek Ramsay and Andrea Torres.

Nang itanong namin ito sa ilang executives ng GMA, wala raw silang impormasyon tungkol sa pagsali ni Ian sa Kapuso series. Nang i-text naman namin ang manager ng aktor, dedma lang ito sa tanong namin.

Kung walang sabit sa kontrata, sigurado namang welcome si Ian sa GMA, huh!

Read more...