Kris Bernal natakot sa pagpasok sa mundo ng mga multo: Kasi baka madala ko siya pag-uwi! | Bandera

Kris Bernal natakot sa pagpasok sa mundo ng mga multo: Kasi baka madala ko siya pag-uwi!

Bandera - July 09, 2019 - 12:10 AM

KRIS BERNAL

MANANAKOT at manggugulat tuwing hapon sina Kris Bernal, Rayver Cruz at Megan Young sa upcoming afternoon series ng GMA na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Suspense-horror-drama ang tema ng serye kung saan gaganap na multo si Kris. Ayon sa Kapuso actress, bagong challenge na naman ito para sa kanya dahil first time niyang gagawa ng isang horror-drama.

“Ditching the iyakin and pa-sweet roles for this psychopath-turned-ghost role! Mahirap siyang gawin pero nakaka-excite. First time kong mag-portray ng ghost pero may twist kaya medyo mabigat din.

“I have no problems taking on a horrible character after spending the past decade as ‘Always a sweetheart,'” chika pa ni Kris. Sa katunayan, ipinost pa niya sa kanyang Instagram account ang kanyang nakakatakot na itsura na siyang magiging look niya sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa serye, nanood daw talaga siya ng mga horror movies, kabilang na ang mga katatakutang pelikula na gawa sa Japan.

“To prepare for the role I had to watch a number of horror-suspense-thriller films, with eyes and ears wide open! Challenge talaga ito para sa akin dahil matatakutin akong tao. Konting kibot lang afraid na ako. Makarinig lang ako ng creepy sounds, mapapasigaw na ako,” aniya pa sa ginanap na mediacon para sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko kahapon.

Ilan pa sa mga pinanood niya uli bago mag-start ang kanilang shooting ay ang “The Sixth Sense,” “Insidious,” “Conjuring,” “Shutter” at marami pang iba.

Iikot ang kuwento ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa mag-asawang Yvie (Megan) at Matteo (Rayver) na hindi patatahimikin ng kaluluwa ni Naomi (Kris) na gagawin ang lahat para muling maangkit ang lalaking pinakamamahal. Sa trailer pa lang ay alam mo nang nakakakilabot ang itatakbo ng kuwento, lalo na kapag ginulo na ni Naomi ang tahimik na buhay nina Yvie at Matteo kasama ang kanilang anak.

Sey nga ni Rayver, “Kakaibang istorya na naman siya, e. Mayroon siyang touch of horror, suspense, at thriller but, at the same time, ‘yung drama and ‘yung love story.”

Hirit uli ni Kris, “Parang natatakot din ako for myself kasi pinag-aralan ko at papasukin ‘yung world na ‘yun. E, matatakutin nga ako so, parang kapag ginawa ko siya natatakot ako na madala ko (pag-uwi).”

Ito na ang ikalawang serye nina Rayver at Kris together kaya hindi na sila masyadong mahirapang mag-adjust. “Mas naging madali na lang ngayon kasi may rapport na kami.

“Ang challenge na lang is kung paano yung atake ng bawat isa kasi ibang-iba ‘yung mga character namin. Mas mahirap nga ngayon dahil we’re dealing with parang spirit na hindi matahimik,” paliwanag ng hunk actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Rayver at Megan, makakasama rin ni Kris sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sina Kim Domingo, Boots Anson Roa, Francine Prieto, Sharmaine Arnaiz, Beverly Salviejo, Denise Barbacena, Joaquin Manansala, Euwenn Aleta at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Joron Lee Monroy.
Magsisimula na ito sa July 22 sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending