Pagiging alcoholic nasa genes

MAY natukoy na genetic variant ang mga siyentipiko ng University of Pennsylvania at Yale School of Medicine sa Estados Unidos na iniuugnay sa pagiging alcoholic ng isang tao.

Pinag-aralan ang may 274,000 katao upang mahanap ang genes na nakakaapekto sa tao upang uminom ito nang labis.

Ayon kay Henry R. Kranzler, professor ng psychiatry sa University of Pennsylvania at may-akda ng pag-aaral, kung matutukoy ang genes na nakakaapekto sa pag-inom ng alak ay maaaring matulungan ang mga tao para hindi maging adik sa alkohol.

Maaari umanong gumawa ng mga intervention para ma-tulungan ang mga tao na may partikular na genes na makaiwas sa pagiging alcoholic.

Ang ginamit ng team ni Dr. Kranzler ay mga genetic data mula sa Million Veteran Program, isang American research program kung saan kasama ang mga puti, Afro-American, Latino at Asian.

Nagsagawa ng mga pagsusuri at natukoy ang 13 independent genetic variants na may kaugnayan sa alcohol consumption. Walo sa mga ito ang ngayon lamang natukoy at iniugnay sa pag-inom ng alak.

Ang alcohol addiction ay iniuugnay sa mahinang pag-iisip, mas mahinang tyansa na huminto sa paninigarilyo, insomnia at mga problema sa pag-iisip.

Read more...