DI na uso ang tinatawag na ‘food pyramid’ at pinalitan na ito ng tinatawag na “healthy plate”.
Kaya kung dati ay nalilito ka sa ibig sabihin ng food pyramid mas malinaw na ang mensahe nito ngayon sa healthy plate kung saan nakahati sa apat ang iyong plato.
Narito ang dapat mong malaman tungkol sa healthy plate.
1. Ang kalahati ng iyong plato ay dapat nakalaan sa prutas at gulay. Masustansyang prutas tulad ng mansanas, sa-ging, peras, dalandan at strawberry ang ilan lamang sa dapat mong kainin na prutas habang mabeberde ang gulay na dapat mong kainin.
2. Ang one-fourth ng iyong plato ay para sa protina tulad ng isda, karne, beans at tokwa. Iwasan ang pagkain ng karneng baboy at baka na may taba at mas mainam din ang steamed o pinasingawan at inihaw na pagkain kumpara sa prito.
3. Ang natitirang one-fourth ay para naman sa carbohydrates tulad ng kanin o tinapay. Mas mainam nga pala ang steamed rice kaysa sa sinangag dahil sa mantika rito. Brown rice ang mas mainam.
4. Dagdagan din ang iyong healthy plate ng 1 basong gatas o 1 tasa ng yogurt.
5. Bawasan ang alat sa iyong mga kinakain. Iwasan ang sobrang pagkain ng maaalat dahil pwede itong magdulot ng high blood pressure o altapresyon at pagmamanas.
6. Iwasan ang “Go Large” at “Supersize” na pagkain sa mga fast-food restaurant. Kumain lamang ng sapat para sa iyong katawan pati na rin sa timbang.