Dementia sanhing lung problem?

MAAARI umanong magkaroon ng dementia o cognitive impairment ang isang tao na nagkaroon ng sakit sa baga noong siya ay bata-bata pa.

Pinag-aralan sa University of Minnesota ang 14,184 participant na may average na edad na 54.

Ang mga lumahok sa pag-aaral ay binantayan ng 23 taon. Ang mga ito ay sumailalim sa spirometry tests, isang pagsusuri sa kakayanan ng baga.

Lumalabas sa pag-aaral na ang mga tao na nagkaroon ng restrictive o obstructive lung disease ay may mataas na tyansa na magkaroon ng dementia kasama na ang Alzheimer’s disease, at mild cognitive impairment.

Ang mga nagkaroon ng restrictive lung di-sease gaya ng idiopathic pulmonary fibrosis at sarcoidosis, ay mayroong 58 porsyentong mas mataas na tyansa na magkaroon ng dementia o mild cognitive impairment.

Ang mga tao na nagkaroon naman ng obstructive lung disease ay mayroong 33 porsyentong tyansa na magkaroon ng nabanggit na problema.

Tinignan din ang spirometry test ng mga lumahok sa pag-aaral. Sa pagsusuring ito ay sinusukat kung gaano karaming oxygen ang kayang ipasok ng isang tao sa kanyang baga.

Maaari umano na ang tao na mayroong lung disease ay hindi nakapagbibigay ng sapat na oxygen sa dugo na nakakaapekto sa blood vessel ng utak.

Kulang pa umano ang pag-aaral upang maging conclusive ang resulta pero kung ma-patutunayan ito ma-ngangahulugan na ang pagtigil sa paninigarilyo at pag-aalaga sa baga ay isang paraan upang maiwasan ang dementia.

Read more...