Piolo: Gusto ko pa ring magkaasawa at magkaanak, pero…

PIOLO PASCUAL AT IÑIGO PASCUAL

GUSTO pa rin ni Piolo Pascual na magkaroon ng asawa at makabuo ng isa pang anak kung mabibigyan pa siya ng pagkakataon.

Yan ang inamin ng Kapamilya singer-actor nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa nakaraang pressconng Sunlife Financial para sa mga bago nilang ad campaign.

Ayon kay Papa P, hindi pa rin siya sumusuko at patuloy na nagdarasal na sana’y ibigay na sa kanya ang babaeng magiging lifetime partner niya na makakatuwang niya sa kanyang pagtanda.

“Siyempre, gusto ko pa rin (magpakasal), magkaroon ng makakasama sa buhay, I also want to be a father again. Pero bata pa kasi ako, eh!” pahayag ni Piolo sabay tawa.

“No, honestly, of course, gusto ko pa ring magkaasawa at magkaanak pero sabi ko nga, ine-enjoy ko pa kung anumang meron ako ngayon, ine-enjoy ko pa yung mga times na magkasama kami ni Inigo (Pascual). Maraming work, maraming opportunities.

“So, siguro doon muna ako magpo-focus. Kasi naniniwala ako na darating din yung time na magse-settle down ako at iyon naman ang magiging priority ko, like what I always say, bata pa naman tayo kaya hindi dapat magmadali,” paliwanag pa ni Papa P.

Samantala, natanong din ang tatay ni Inigo tungkol sa sinabi ng kanyang special friend na si Shaina Magdayao na bahagi siya ng “past, present at future” ng aktres. Though sinabi nito na hindi talaga sila naging magdyowa, bukas si Shaina sa anumang posibilidad sa kanilang espesyal na relasyon.

Sey ni PJ, pitong taon na silang magkaibigan ni Shaina at tine-treasure niya ang mahabang panahon ng kanilang pagiging close sa isa’t isa.

“Yes, seven years. Shaina and I have high respect for each other and nobody can take that away from us even showbiz. Mahirap ipaliwanag kung anong meron kami but we share the love for each other the best way can,” sey pa ni Piolo.

Sa pitong taon nilang special friends ni Shaina, hindi pa talaga nag-level up ang relasyon nila? “Secret! Ha-hahaha! Hindi, kasi nga bata pa kami ni Shaina! Marami pang pwedeng mangyari.”

Samantala, saludo naman ang madlang pipol sa pagiging ama ni Piolo kay Inigo. Talagang ginagawa niya ang lahat para masiguro ngayon pa lang ang magandang kinabukasan ng anak.

Sa nakaraang mediacon nga ng Sun Life Financial, magkasama pa rin ang mag-ama bilang bahagi ng bagong ad campaign ng SL, ang “Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships”.

Isa nga rito ang short film na pinagbibidahan ni Piolo kung saan ibinahagi niya kung paano binago ng Sun Life ang kanyang buhay bilang isang single dad at bilang “lifetime partner” na rin ng kanyang anak.

Si Inigo rin ang nag-compose at kumanta ng soundtrack ng campaign titled “Kaakbay”. “It’s a song you can dedicate to an important person in your life. We don’t always tell our loved ones how much we appreciate them, but I hope that this song and our own ‘kaakbay’ videos will inspire everyone to express just how much their loved ones mean to them,” pahayag ni Inigo.

Bukod sa mag-ama, present din sa nasabing event ang iba pang SL ambassadors tulad nina Charo Santos, Enchong Dee at Matteo Guidicelli. May kanya-kanya rin silang “Kaakbay” videos na mapapanood na simula sa July 13 sa Sun Life YouTube channel.

In fairness, sa lahat ng napanood naming “kaakbay” video yung kay Enchong ang talagang nagpaiyak sa amin. Ibinahagi kasi niya ang tungkol sa kanyang “life coach” na naging malaking bahagi ng kanyang buhay mula pa noong bata siya. Mangiyak-ngiyak ang aktor habang ikinukuwento kung paano nabago ang kanyang pagkatao dahil sa taong ito.

Those who will watch the videos will get a chance to win a trip for two to Singapore by sharing their own stories of lifetime partnership on @SunLifePH on YouTube or Facebook.

Read more...