Tito Sen tinawag na 'Meme King', pinagtripan sa 'Recto Bank joke' | Bandera

Tito Sen tinawag na ‘Meme King’, pinagtripan sa ‘Recto Bank joke’

Ronnie Carrasco III - July 06, 2019 - 12:20 AM

TITO SOTTO

KUNG sa mismong bibig ni Ginoong Mon Tulfo nahuli ang isda (pointing to his younger brother Ben as the culprit behind the P60-M alleged advertising contract anomaly) bilang ganting sagot sa isang female netizen, hindi rin nagpahuli (as in refusing to lag behind) si House Speaker Tito Sotto.

Sotto also has his share of “fish tales” sa pamamagitan ng aniya’y tongue-in-cheek reaction following the Recto Bank incident involving 22 Pinoy fishermen whose fishing boat was rammed by a Chinese militia vessel.

Ayon kasi sa aniya’y ‘di naman talaga seryosong pahayag, the fish could be coming from China within the Philippines’ declared EEZ.

Hayun tuloy, pinutakti si Sotto ng mga batikos, na karamiha’y ginawang katatawanan ang kanyang tinuran.

Ang sinasabi niyang tongue-in-cheek ay baka “tang Intsik.” Ginawan pa siya ng meme replacing the head of a bisugo with his na tinawag na “Bisotto.”

As if hindi pa ito sapat, naglipana rin sa Facebook ang mga sari-saring isda whose names were made to sound Chinese, na kung mapapadako raw sa karagatan ng Pilipinas ay dapat din daw hanapan ng kaukulang travel documents (visa at passport).

Hardly did Sotto calculate ang repercussions ng kanyang sinabi na obyus namang mas kumikiling with the very standpoint of this government. Nag-backfire tuloy sa kanya ang inakala niyang joke na mas maganda sanang pakinggan in a gag show like Bubble Gang.

Hindi pa rin talaga maihiwalay ni Sotto ang kanyang tungkulin bilang House Speaker from his very roots bilang isang komedyante. Ayon nga sa mga nagkakaisang comment sa social media, the problem with Sotto is his conscious attempt at profundity, na hungkag naman.

Paintelektuwal na hindi naman.

Yaman din lang na may TV show ang kanyang maybahay na si Helen Gamboa na Helen’s Kitchen, doon pa maaaring pakinabangan ni Sotto ang kanyang malawak na kaalaman tungkol sa isda na kasinglawak ng natural habitat nito.

Sisiw na sisiw lang tiyak kay Tita Helen ang mga fish dish with her kitchen expertise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At puwede pang literal na pumasok doon ang tongue in cheek. May dila para lasahan ang masarap na luto ng isda, may pisngi where its morsels may be found scattered all over it.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending