Richard Yap tuloy ang pagtulong sa Cebu kahit natalo sa eleksyon

BEAUTY GONZALES, RICHARD YAP AT DIMPLES ROMANA

Bagong pasok si Richard Yap sa seryeng Kadenang Ginto bilang si Leon at ikagugulat daw ng viewers ang twist ng karakter niya. Si Beauty Gonzales ang makakaparea ni Richard.

Siyam na buwan palang napahinga si Richard sa showbiz dahil kumandidato siya bilang congressman sa Cebu pero hindi pinalad. Ang plano ng aktor ay magpahinga muna at sa Agosto na lang muli babalik pero in-offer agad sa kanya ng Dreamscape Entertainment ang Kadenang Ginto na hindi niya matanggihan.

Kahit hindi pinalad manalo si Richard ay hindi pa rin pala niya ititigil ang naumpisahan niyang tulong sa mga kababayan nila sa Cebu na hindi nabibigyan ng sapat na tulong ng gobyerno. Kaya natanong kung kakandidato pa rin siya sa susunod na eleksyon.

“Sa ngayon hindi ko pa naiisip ‘yan, pero we’ve started helping people already when we started doing the campaign. Marami kaming sinet-up na women’s organization, binigyan namin sila ng livelihood.

“Just because we’re not in position doesn’t mean we’re going to stop helping. Right now I’m trying to raise funds kasi may mga nursing school pero wala silang books, kulang mga upuan. So, we’re trying to raise funds para makuha natin ‘yung mga kailangan. We help in our own little way,” kuwento ni Richard.

Ano ang natutunan niya sa pagsabak sa politika, “Mahirap din ang pagiging pulitiko, but I’d rather look for the positive side. Marami akong naging kaibigan na tumulong din sa atin,”say ng aktor.

Samantala, natatawa si Richard sa mga viral memes ni Dimples Romana dahil na rin sa kasikatan ng Kadenang Ginto. Feeling ba niya, posible rin kaya siyang maging Meme King, “Ewan ko lang kasi it’s early to tell with the ways going sa Kadenang Ginto, baka mangyari nga. Kasi mga kasama ko roon mga kolokoy din.”

Napapanood ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Read more...