MARAMI kaming naririnig na kuwento mula sa isang so-so actress na hanggang ngayon yata ay naghihimutok pa rin dahil naghiwalay sila ng kanyang boyfriend at kaagad siyang ipinagpalit sa iba.
Hindi matanggap ng aktres-aktresan na may kapalit siya agad gayung ang usapan daw nila ng kanyang ex-boyfriend ay mag-lie low o cool-off muna pero laking gulat niya nang malamang may bago na itong karelasyon ngayon. Sabi pa raw ng so-so actress, inaasahan daw kasi niya na babalikan pa rin siya ng guy.
Nang marinig namin ang kuwentong ito ay nailing na lang kami, sa pagkakaintindi kasi namin kapag napagkasunduan ng magkarelasyon na cool-off muna, ang ibig sabihin nito ay hiwalay na. Iyan na kasi ang ginagamit na termino ngayon ng mga millennial kapag gusto na nilang magkanya-kanya ng
landas.
Balita ring nag-iiyak ang aktres-aktresan nang malaman niyang may iba nang dine-date ang former boyfriend kaya naman nagpapaawa effect ito ngayon at pinalalabas na niloko siya ng kanyang ex. At dahil feeling agrabyado kaya marami siyang nakuhang simpatya mula sa mga kaibigan.
Sana tigilan na ng aktres na ito ang pagkukuwento ng mga maling impormasyon dahil baka kapag binalikan siya ng mga taong nakakaalam ng tunay na kuwento ng love story nila ay mawindang siya.